Nung isang linggo pa namin kinuha yung shoot na ‘to. Ang problema: kahit tanghaling-tapat, galit na galit ang mga manok ng aming kapitbahay at inupakan kami ng tilaok habang nagre-record kami ng aming kanta. Binalak namin itong ulitin–at maski si Chi na ang nagsabi na sasauluhin n’ya muna ito ng mas maayos para sa susunod naming pagre-record. Pinanood ko muli ang video na ito kaninang umaga at bigla akong nanghinayang sapagkat kahit may panaka-nakang pagtilaok ng manok, isa ang mga kantang ito sa pinaka-paborito namin. Ang tutorial nito ang siyang nangunguna ngayon sa mga views natin sa Youtube. Kaya bigla ko na lang naisipan na i-upload ito kaninang umaga sapagkat pakiramdam ko, magugustuhan nyo pa rin. Sana tama ako.

Guitar Setup : Capo on 5th Fret
Intro: C Bm Em Am D Dsus
G G7 C Bm Em D/F#m
Noo’y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
G G7 C Bm Em D
May takot na nadarama
na muli ay maranasan
ayoko ng masaktan muli ang puso ko
C Bm Am Bm
Ngunit nang ikaw ay makilala
C Bm D Dsus
biglang nagbago ang nadarama
Chorus:
C Bm Em
Para sa’yo ako’y iibig pang muli
C Bm Em
Dahil sa’yo ako’y iibig nang muli
Am Bm Em
ang aking puso’y
pag-ingatan mo
Am Bm D
dahil sa ito’y muling magmamahal sa’yo
para lang sa’yo
Muli ay aking nadama
kung paano ang umibig
masakit man ang nakaraa’y nalimot na
ang tulad mo’y naiiba
at sa’yo lamang nakita
ang tunay na pag-ibig na’king hinahanap
buti na lang ika’y nakilala
binago mo ang nadarama
(Repeat Chorus)
Ako’y di na muling mag-iisa
ikaw na nga ang hinihintay ng puso ko…
*
Nakakahiya man, ngunit nangilid ang aming luha habang inaawit ni Chi ang kantang ito. Salamat sa’yo Aiza. Sana gumawa ka pa ng mas maraming kantang maaari nating ipagmalaki sa buong mundo.




September 19th, 2008 at 6:31 am
nyahahaha, narinig ko yung manok, pero ok, maganda, galing…