Lipa Choral Ensemble – Diwa Ng Ating Pasko

Here’s one of the songs they sang last December 1 at SM City Lipa. For you guys! Thank you so much for supporting us.


[zum-zum (4x)]

Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Magsaya tayo kapatirang banal
Ipagdiwang lugod sa puso
Si Hesus natin syang tanging maykapal
Lumuhod tayo sa harap niya

Magsimba tayo siyam na simbanggabi
Uwian ay bukang-liwayway
Ang buong bayan ligid-ligiran
Mga tindahan, kakainan

[lalala]

Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan

Ang durungawan puspos ng ilaw
Luntian at pulang kulay na masaya
At ang pintuan pinagsabitan
Parol na tunay sa paskuhan

Ang maganda nating bihisan
Ay isuot kahit na minsan
At ang gintong hikaw at singsing
Ay linisin bago gamitin

[papapapam]

Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan

Mano po lolo, mano po ninong
Ang sadya po sana’y mamasko
Kung wala ma’y salamat din po
Sa tatlong-hari na’ng balik ko

[lalalala lalalala]
Buong tao’y muling nagdaan
At sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa’y makamtan

At sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa’y makamtan!
[lalalala lalalala]

Comments

  1. galing. =)

  2. ang galing nyo kya lang ang lyrics n pinost niyo mali..hehhehe…

  3. wow., mhirap xiang kantahin.,hehe.,pero i love this song., pti ung munting sanggol., member ako ng isang grand choir sa buting,pasig city eh., goodluck sa inyo.! goodluck dn sa choir nmin.. GODBLESS.!

  4. OK D2 MAAASAHAN KUNG MANGANGAILANGAN KA NG LYRICS, SALAMAT AT MALIGAYANG PASKO SA INYO

Leave a Reply to Nixon T3C Cancel reply

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.